Theo 246
PANDAYAN SA PAGSASALIN (3 units)
Fernando Macalinao, SJ
M W 2:00 - 3:25 pm
Ang Pandayan ay isang pagtatangkang patunayan na may angking kakayahan ang Pilipino na mauunawaan at maipapahayag maging ang pinakamasalimuot na diwang nahubog at patuloy na umiiral sa Kanluran. Pagsasalin ng akda ayon sa interes ng mga estudyante ang unang hakbang ng Pandayan--pampanitikan, pang-espiritwal, ensiklikal, piling kabanata ng isang aklat pang-teyolohiya, pang-pilosopiya, o pang-doktrina, textbook, talahuluganan ng mga katawagang teknikal, atbpa. Gagamitin ang ilang batayang panuntunan at ilang akdang naisalin na bilang gabay sa pagsasalin.
Ang mas mahalagang layon ng Pandayan, mula sa pagsasalin, ay makalikha ng sulatin sa Pilipino na makakahimok sa sambayanan na magbasa at magnilay, magpahayag at makipagpalitang-kuro ukol sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang buhay at paniniwala.
Dalawang beses sa isang linggo (tig-ta-3 oras) ang pulong ng mga estudyante. Maaaring mabawasan ang oras ng pagpupulong sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa email.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home